Bitiw

Background: Naisulat ito habang nakahiga. Madilim ang kwarto at handa ng matulog ang may-akda. Pero dahil sa lakas ng tawag ng pagsulat, ito ang kinalabasan.

Huwag mong ikaila ang pagliit ng mundo natin
Maghiwalay man tayong pilit, tayo'y magtatagpo pa rin.
Ako ay tatakbo, huwag mo akong habulin
Huwag mo na ring asahang ika'y lilingunin.

Bitawan ang lubid, tanggalin ang kawing
Dalawang puso minsan nang napaibig
Buksan ang pinto patungo sa isang mundong
Ikaw at ako ay hindi nagkatagpo.

Tapusin na ang pakiramdaman, nakakapagod
Ang mga sitwasyong masaya, magulo, lalong gumulo.
Ako'y hahakbang, lalakad ng matulin
Aking paglayo ay huwag mong pipigilin.


https://soundcloud.com/thearoxas/bitiw

Comments

Popular Posts