Bakit Ganito

*Original Composition. July 25, 2013. Naisulat habang naglalakad sa may Acad Oval (UP Diliman) papuntang tambayan.

Refrain:
Magsisimula sa awit na ito
Pakinggan mo mga sasabihin ko
Hindi ko inakalang aabot sa ganito
Bakit ganito

Verse 1:
Tamis ng 'yong mga ngiti
Bigla na lamang napawi
Wala na ba tayong pag-asang bumalik
Diyos lang makapagsasabi

Refrain

Verse 2:
Sa pag-ikot ng mundo tayo'y nahulog
Kapalarang walang may gusto
Ako ay naiwan sa pinakadulo
Ikaw lang ang umaahon

Refrain

Bridge:
Ang nangyari sa atin
Wala man lang pasabi
Ang nangyari sa atin
Kailangan lang tanggapin

Refrain

Coda:
Ang nangyari sa atin
Wala man lang pasabi
Ang nangyari sa atin
Kailangan kong tanggapin

https://soundcloud.com/thearoxas/bakit-ganito

Comments

  1. Hay... Pag-ibig nga naman. Kay hilig kang batuhin ng mga tanong. Tanong na masasagot lamang ng mga nagsasangahang kailan, ano, paano at bakit.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts