Noong Ikaw Ay Aking Minahal


Noong ikaw ay aking minahal,
nagbago ang kapaligiram
na tila ba ako ay nakapaloob sa isang bula
kasama ka.
Lumulutang.
Nagsasaya.

Noong ikaw ay aking minahal,
panibagong awit ang aking hinihimig
kasabay ng ibong may malambing na huni,
saliw sa mga katagang
"Ako ay sa'yo at ikaw ay akin".

Noong ikaw ay aking minahal,
naganyak ako sa sumpang magtatagal
kahit wala mang katiyakan
na sa hinaharap ay ikaw ang kasama
sa harapan ng dambana
saksi ang pamilya,
saksi ang Maykapal.

Noong ikaw ay aking minahal...

Teka. Pasensya.

Ngayon,
ikaw ay aking mahal.

Irog.
Sinta.
Ginhihigugma ko ikaw.
Oo.
Ikaw lang,
mahal.

Aking pinakamamahal.

Comments

Popular Posts