Clash of the Titans - Buod
Nagsimula ang kuwento nang matalo nina Zeus, Poseidon at Hades ang mga Titans nang inutusan ni Zeus si Hades na gumawa ng isang halimaw, ang Kraken. Si Zeus ang naging pinuno ng langit at si Poseidon naman sa karagatan samantalang si Hades ang naging hari ng Underworld. Nilikha ni Zeus ang tao atsa paglipas ng panahon ay nagkaroon ang mga tao nang pagaalinlangan sa kapangyarihan ng mga diyos.
Makalipas ang isang libong taon, isang mangingisda na nagngangalang Sypros ang nakakita ng isang kabaong sa dagat. Isang sanggol kasama ng kanyang patay na ina ang nasa loob niton a si Danaë. Inampon ni Spyros ang batang lalaki at pinangalanan niya itong Perseus. Makalipas ang ilang taon, ang binatang si Perseus kasam ng kanyang pamilya sa isang maliit na bangka ay nakakita ng pagbagsak ng rebulto ni Zeus na kagagawan ng mga sundalo ng Argos tanda ng paghihimagsik nila sa mga diyos. Nagpakita si Hades sa pagkatao ng mga Harpies at pinatay ang mga sundalo. Matrapos nito ay sinra din ni Hades ang bangka nina Perseus na naging dahilan nang pagkalunod ng pamilya ng binata.
Si Perseus ay natagpuan ng mga sundalo kung saan dinala siya sa Argos sa kanilang hari na si Cepheus at reynang si Cassiopeia habang pinagdidiwang ang paghihimagsik laban sa mga diyos. Nagyabang si Cepheus at si Cassiopeia naman ay inihambing ang kanyang anak na si Andromeda sa diyosang si Aphrodite.
Dahil sa mga pangyayari ay lubos itong ikinagalit ni Zeus kung saan naman nabigyan ng pagkakaton si Hades na magsalit at magpakita sa Mount Olympus. Ipinaglaban ni Hades na dapat maghiganti ang mga diyos laban sa mga ito. Nagpakita si Hades sa loob ng hukuman ng Argos at pinagpapatay ang mga natirang sundalo samantalang pinainom naman niya si Cassiopeia hanggang sa ito ay mamatay. Nagbanta si Hades na kung hindi iaalay si Andromeda para sa mga diyos sa loob ng sampung araw ay wawasakin niya ang Argos gamit ang Kraken. Sa kanyang pag-alis, sinabi niya na si Perseus ay isang Demigod. Ipinaalam naman ni Perseus, ang mensahero ng mga diyos, kay Zeus na buhay ang kanyang anak na si Perseus sa Argos. Pero tumanggi si Zeus na siya’y iligtas.
Pinakulong naman ng hari si Perseus dahil ayaw niton a makipaglaban para sa Argos. Binunyag naman ni Io kay Perseus ang tunay niyang pagkato. Para maparusahan si Haring Acrisius sa pagrerebelde sa mga diyos, nagpanggap si Zeus na si Acrisius at inakit si Danaë. Nang inilagay ni Acrisius si Danaë kasama ang sanggol sa loob ng kabaong, pinatay naman ni Zeus ang nasabing hari sa pamamagitan ng kidlat nito. Sinabi rin Io na hindi siya tumatanda dahil hindi siya pumayag na paakit kay Poseidon. Matapos malaman ni Perseus na kapag pinatray niya ang Kraken ay makapaghihiganti siya kay Hades na pumatay sa kanyang pamilya ay pumayag na rin siya na lumaban sa panig ng Argos at hanapin ang Stygian Witches. Sinamahan naman sila ng mga halimaw na mangangaso na sina Ozal at Kucuk. Sumama din si Io.
Nakita naman ni Hades si Acrisius (na ngayon ay kilala bilang si Calibos) at kanyang inilahad ang kanyang plano na gamiti ang Kraken sa pagwasak sa Argos upang makapghiganti rin kay Zeus dahil sa ginawa nitong pagtalikod noong pakikipaglaban sa mga Titans. Binigyan ni Hades na pambihirang kapangyarihan si Calibos upang patayin si Perseus.
Habang nasa kagubatan ay nakadiskubre si Perseus ng isang espada at ang grupo bg mga lumilipad na kabayyo ngunit ang mga ito ay kanyang tinaggihan dahil sa ayaw naman niyang maging diyos. Inatake naman ni Calibos ang grupo halos lahat ng mga sundalo ngunit napilitang siyang umatras nang maputol ni Draco ang kanyang kamay. Subalit ang dugo ni Calibos ay lumikha ng mga higanteng alakdan na pumatay sa lahat ng mga sundalo maliban kay Draco, Solon, Eusebios at Ixas.
Ang mga natira ay nailigtas naman ng mga Djinn, isang banda o grupo ng mga shaman. Noong una ay wala silang tiwala sa mga ito pero nagbago ito nang hilumin nang kanilang pinuno na si Sheikh Suleiman ang mga sugat ni Perseus. Sumama na rin ang mga Djinns a kagustuhan din nilang mawala sa trono ang mga diyos.
An gating mga bayani ay nagpunta na sa Stygian witches at sinabi sa kanila na ang tanging solusyon upang mamatay ang Kraken ay ang makuha ang ulo ni Medusa, isang Gorgon, dahil nagiging bato ang sinumang tumingin dito. Nang mabalaan na sila ay maaaring mamatay, si Peseus ay iniwan ng mga Djinn, nina Ozal at Kukuck at nang iba pa maliban kay Suleiman. Binisita naman ni Zeus si Perseus at inalok nang pahingahan si Perseus sa Mount Olympus ngunit ito’y kanyang tinanggihan. Binigyan na lamang ni Zeus si Perseus ng isang gintong drachma para suhulan si Charon sa pagpunta sa Underworld.
Habang nakikipaglaban kay Medusa ay natamaan niya si Solon na naging dahilan ng pagkamatay nito. Ginawa naman niyang bato sina Ixas at Eusubios. Nilinlang naman ni Perseus si Medusa at tinangka naman ni Suleiman na pugutan ng ulo si Medusa ngunit ang kanyang naputol lamang ay ilang ahas sa kanyang ulo kaya ito ay ginawa na ring bato ni Medusa. Isinakripisyo naman ni Draco ang kanyang sarili upang kunin ang pansin ng sugatang si Medusa nang sa gayon ay mapugutan ito ni Perseus. Mula sa Underworld ay nakita ni Perseus na sinaksak ni Calibos si Io sa likod. Matapos ang maikling duwelo ay napatay ni Perseus si calibos.Walang nagawa si Perseus kundi panoorin si Io na maging gintong alikabok at mapunta sa Olympus. Sinakyan niya si Pegasus pabalik sa Argos dala ang ulo ni Medusa.
Sa Argos ay napagpasyahang ialay si Andromeda sa Kraken. Nang mapalabas ang Kraken, binunyag ni Hades kay Zeus na ang pagkawasak ng Argos ang magbibigay sa kanya ng kapangyarihan upang mawala sa trono ang mga Olympians. Kahit na ipinadala ni Hades ang mga Harpies upang patayin si Perseus ay nagamit pa rin ni Perseus ang ulo ni Medusa upang mapatay ang Kraken at mailigtas si Andromeda. Ginamit din ni Perseus ang espada ng Olympus na may kidlat mula kay Zeus at ibinalik si Has=des sa Underworld. Tinanong naman ni Andromeda si Perseus kung ito ay papayag na maging hari ng Argos pero ito ay kanyang tinanggihan. Binalaan naman siya ni Zeus at sinabing si Hades ay maaaring bumalik upang maghiganti. Dahil sa kagustuhan ni Perseus na manirahan sa daigdig ay kanyang binuhay si Io.
Ito ba ang pinaka buod ng kwento? Ano-ano ang mga regalo ng tatlong dyosa kay Perseus at sino sino ang mga ito?
ReplyDeleteAno ang relasyon ni Thetis kay Calibos? Ano ang nakitang dahilan ni Thetis upang makaganti kay Perseus?
ReplyDeleteNgayon mas naiintindihan kona
ReplyDelete