Awit at Paghimig
Awit ka nga lang ba o isang paghimig lang?
Ano nga ba ang pinagkaiba ng awit at himig?
Ang awit ba ay maaaring isang himig din?
O kaya naman isang awit ding maituturing ang isang himig?
Nakakaangat ba ang awit sa isang himig?
Dahil ba ito ay mayroong mga titik na direktang nakakapagpahayag ng nadarama?
Dahil ba mas madali itong mawatasan?
O dili kaya dahil ako at ikaw ang sabay na umaawit?
Nakakaangat ba ang paghimig sa isang awit?
Dahil ba sa ito ay isang natural na gawain?
Dahil ba sa payak nitong pagkakayari na kahit sino ay maaring makapagkamit?
O dahil sa paghimig nagsisimula ang isang awit?
Ikaw ang awit ko.
Ikaw ang paghimig ko.
Ako,
Ganoon din ba ako sa'yo?
Hello, ang ganda at ang husay naman nito... :)
ReplyDeleteBtw, maaari bang makihiram ng pics dito (ilalagay ko ang source link/url), kapatid? Sana ay pumayag ka. Maraming salamat.
Magsulat ka pa... Regards!
Hi Sasaliwngawit! Masaya ako at napadako ka sa blog na ito. Salamat sa papuri. :))
ReplyDeleteSige, okay lang. Pero nilagay ko din yung source ng link, at kung ilalagay mo din, okay na okay. Pasensya na kung ngayon ko lang ito nabasa.
Salamat ng marami! :))