Langit

Simple joys.

Yung pagod na pagod kang naglalakad pauwi. Sakbit si bag na halos kaladkarin mo na sa haba ng kailangang lakarin. Gabi na, malamig pa ang hangin. Nakatungo ka na lang sa paglalakad, iniisip kung ano pang mga requirements ang kailangang i-cram  para sa nalalabing mga araw ng pagpasok ngayong taong ito. At naghahanap na ng mahabang pahinga ang katawan mo.

Tapos, bigla kang napatingala.

Napansin mo na ang ganda ng langit. Napansin mo na walang punto para magreklamo sa mga gawain. Napansin mo na masaya ka na ulit at inspiradong gumawa ng mga papers at prob set. Napansin mong nag-iba bigla ang tingin mo sa mundo. Maganda. Masaya. Worth it lahat.

Salamat sa Kanya sa paglikha ng mga naggagandahang bituin sa kalaliman ng gabi. Nasa lungsod man ako, pakiramdam ko may koneksyon pa rin ako sa pinanggalingan ko. At alam kong namamasid din nila ang kaparehong langit na aking tiningala. Inspirado. Dahil sa langit. Dahil sa kanila.

Salamat sa simpleng kasiyahang dulot ng gabing ito. :">

Comments

Popular Posts