Maligayang Araw ng mga Puso!
Ang paglalahad na ito ay para sa iyo...
Well, sa totoo lang, gusto talaga kitang makita. Araw-araw. Kaya nga lagi akong nagbabakasakaling pumunta sa CASAA. Pinipilit ko pa ang kaklase ko na pumunta doon. Tatambay sa loob ng isang oras na break bago ang susunod na klase. Para sa akin, maiksi masyado ang oras na iyon para gawin ang mga dapat gawin kaya hindi ako nag-aatubiling gumawa ng mga iyon (kagaya na lamang ng 3 papers sa Bio1). Pagpasok ko sa CASAA, manghahaba na agad-agad ang aking leeg. Lilinga-linga at tinitingnan kung naroon ka man. At hindi ako nagkakamali dahil naroon ka. Kasama ng mga kaibigan mo, masayang nakikipagkuwentuhan. Sa totoo lang, pakiramdam ko pahirap na nang pahirap ang paghahanap sa iyo. Maya-maya mapansin mo na hinahanap kita. At ayun nga, nadun ka sa isang kumpol, nakikinig, nagsasalita. Pero hindi ko talaga alam kung may iba ka pang ginagawa doon. Ayokong mahalata mo ako na lagi na lamang nagnanakaw ng tingin sa'yo. At sa tuwing makikita na kita,nakakapagsalita ako ng mga bagay na hindi dapat sabihin. Natataranta ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kung lalapit ka man. Kung magha-Hi ba ako o hindi.
Ngayong araw, hindi na ako gaanong nasasayahan kapag nakikita kita. Hindi ko alam kung bakit. Ayun ba ay dahil mas madalas kitang nakikita o nawawala na ba ang pagkagusto ko sa'yo? Hindi ko talaga alam kung bakit.
Umupo ako sa isang lamesa kasama ang kaibigan ko. Pasulyap-sulyap. Patingin-tingin. Pinagtatawanan na ako ng kaibigan ko. Nilalait ka niya sa harapan ko. Pinagseselos niya ako. Pero sa kabila ng iyon, ipinagtatanggol kita. Pilit kitang ipinapakilala sa kaniya batay sa pagkakakilala ko sa'yo kahit hindi kayo magkakilalang dalawa. Sinabi ko ang opinyon ng ibang tao sa'yo at opinyon ko. Inihayag ko ang mga nalalaman kong talento. Pinipilit ko pa nga siyang manood sa Biyernes ng palabas niyo sa UP Theater, tutal libre naman ata iyon. Siyempre, para makita ka na din.
Nag-usap kami ng mga bagay-bagay. Buhay, pag-ibig (kahit wala naman kami noon) at gumawa lang naman kami ng simple pero mahirap na deal. Hindi kami magbububkas o gagamit ng Facebook, 9gag, text/video game. Ang gumawa, uusigin ng konsensya. Ito ay maybisa hanggang February 20, sa 3rd exam ng Math100. Anyways, pinipigilan ko ang pagsulyap sa'yo. Ni pagkaway. Kaya nung dumaan ka sa harapan ko, sinadya ko talagang lampasan ang tingin ko. Kunyari hindi ko alam na nadoon ka. Kunyari wala ka lang sa akin. Pero mhirap kung kunwari lang ang lahat ng mga bagay. Kumaway ka sa akin at nakita ko yun kahit lampasan ang tingin ko. Tumingin ako sa mukha mo. Nakangiti ka. Pero kakaiba. Pakiramdam ko ang saya mo o ewan. Ayun yung ngiti na nakikita ko sa mga pictures mo na ini-i-stalk ko sa Facebook account mo. Ano pang magagawa ko, siyempre magha-Hi back ako. At ayon, feeling ko ang ganda ng ngiti ko, yung masayang ngiti. Parang ganito :)).
Lumabas ka na sa CASAA at sinabi ng kaibigan ko na maputi ka pala. Oo na lang nasabi ko. At sinabi niya na ang hilig ko daw sa mapuputi kagaya mo. At inenumerate niya lahat ang mga crush ko na alam niyang maputi.
Oo, wala akong ka-date ngayong Valentine's. Oo,mag-isa lang akong kumain kanina ng tanghalian. Oo, wala ngang nagbigay sa akin ng mga bulaklak na ginugusto ko. Pero okay lang dahil makita pa lang kita, hindi lang Valentine's ang nararamdaman ko. Lahat na ng okasyon, Pasko, birthday ko, fiesta. At kung ipipilit niyo talaga na dapat sa pang-Valentine's context lang yung panapos ko, eto na lang: IKAW ANG VALENTINE'S KO, ALAM MO MAN O HINDI.
<3
PS: Maligaw ka kaya sa blog kong ito? :))
Photo URL: http://farm4.static.flickr.com/3395/3253630365_164e6d23fa.jpg
Comments
Post a Comment