Being Jesus to Everyone
February 16, 2012
Bumili ako ng Presto Creams Peanut Butter Flavor kanina para snacks ko habang Arkiyoloji 1. Sa time kasi ng subject na ito ako lagi na lang nagugutom. Pagkabili ko, dumiretso na ako sa PH 219 para sa Art Stud 1 kong class. Hindi ko itinago si Presto Creams kasi gusto ko lang na hawak ko siya. Tapos, nakita ni Rapunzel na may pagkain ako. Kung hindi ako nagkakamali, tinanong niya kung para saan yon. Sabi ko, pagkain ko para sa Arkiyoloji 1. Tapos humingi siya sa akin. Sa totoo lang, nag-hesitate ako. Hindi dahil sa madamot ako kundi ayoko ko pa lang talaga siyang buksan. (Well, parang ganun na din yun). Pero binuksan ko pa din at binigyan ko siya. Hindi ko alam pero ang gaan pa rin ng pakiramdam ko nung binigyan ko siya kahit isang piraso lang yung kinuha niya. Ayun. Naging "Jesus" kaya ako sa kanya.
Singit lang, nakita ko si Joshua Quinto kanina, friend ko sa FB. Haha. Alam na. Pero, sus, mawawala din yun di'ba? Haha.
Kanina, umiyak si Ate Dawn kasi, ewan ko, siguro na-pressure kasi nagpamisa kami kanina eh handle niya yung event na yon. Ayun, sinabi kasi namin na lamog yung nabili niyang papaya. Eh siguro na-bitter. Nung umiyak siyan na-guilty naman ako. Ewan ko. Lagi na lang. Feeling ko may kasalanan ako kaya ako na-guilty. Ayun, siguro para mabawasan man lang yung sama ng loob niya kahit konti (at kung meron man), ako na lang yung nagbalot sa cellophane nung mga prutas. Ayun. Naging "Jesus" na kaya ako nun para sa kanya?

Comments
Post a Comment