Alas-dos

Alas-dos
Muling sasagi sa isip ang mga panahong
Ika'y nalungkot
Ika'y nalugmok.

Alas-dos
Nangingibabaw muli ang takot
Na sa'yo'y bumubulong
Na sa'yo's nagpapaurong.

Alas-dos
Maaalala ang tamis ng pag-ibig
Ngiti sa kanyang mga labi
Ngalan mo ang sambit.

Alas-dos
Paghimbing siyang katapat
Nagmumuni-muni kahit hindi dapat
Dahil paglimot ay hindi sapat.

Comments

Popular Posts