Post-it

Ipaalala mo sa'kin na huwag na akong umasa pa.
Ipaalala mo sa'kin kung ano ako nung nasasaktan habang may gusto siyang iba.
Ipaalala mo sa'kin ang mga panahong ako'y sa kanya ay balewala.
Ipaalala mo na wala nga pala kaming pag-asa.

Ipaalala mo ang dating ako nung hindi ko pa siya kilala
Kung pano ako sumayaw sa ilalim ng buwan
Habang walang iniintindi kung hindi ang bukas
Hindi kaming dalawa na wala namang katiyakan.

Ipaalala mo ang oras na nagdaan
Nung ako'y masayang naglalakad sa damuhan
Habol-habol ang saranggolang lumilipad sa itaas
Hindi siyang nawala kagaya ng isang bula.

Comments

  1. Titanium Coated Stainless Steel GBS Safety Razor #3
    The stylish stainless babyliss pro nano titanium hair dryer steel GBS Safety Razor #3 microtouch titanium trim as seen on tv features a slant bar, which is convenient for ceramic vs titanium curling iron those remmington titanium with titanium welding sensitive skin. These slanted brass double-edge

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts