Bangon

Bangon kaibigan, tayo ay aahon
Sa lalim ng balon, umabot man sa pusod
Ng dagat na asul, puti, dilaw, pula
Ang apoy sa puso'y hindi maaapula.

Bangon kapatid, dusa'y limutin
Punasan ang luha sa mukhang madungis
Itayo ang mga paang nakakapit sa putik
Ng sinaunang delubyong ating nagapi.

Bangon
Hiling ko sa iyo
Payapang buhay
at pag-asa
siyang matanaw
Kasama ng ibong 
lumilipad
naglalakbay
Bughaw na langit
siya nawang sumaatin.

Comments

Popular Posts