Inday Badiday

"Gawain ay tapos na," wika ni Inday
Agad na binuksan ang TV sa bahay
Maya-maya'y kay Ser Chief ay naglalaway
Mistulang batang wala pang tamang gabay.

Siya namang mukha ni Vice ang bumungad
Kasama si Anne na sa pagkanta'y bagsak
Si Inday, tatawang parang walang bukas
Nagagalak sa mababaw na palabas.

"Pwede ho bang makuha ang bayad ninyo
sa serbisyo kong suma ay tatlong linggo?
Ako ay titili kay Celine at Margaux
Kay Xian at Ethan, oh mga papa ko."

Hatinggabi na't si Inday ay gisin pa.
TV'y binuksan, nagliwanag sa sala
"Eleksyon 2013 may resulta na"
Hindi na nag-abalang panoorin pa.

Sana ay kasingpopular ni Vice Ganda
Sa mga masa ang usaping pambansa.
Maging kritikal, makialam pa sana
Kahit dito man lang tayo'y magkaisa.

Comments

Popular Posts